Friday, February 3, 2017

'TINAPA'

Ratings: 4(Hits:7,145,678) (Views:7,123,567) ★★★★☆ 82% sa populasyon ng bansang Pilipinas o karamihan sa ating mga pinoy ay kilala ang pagkaing ito, nag uulam nito at popular ang produktong ito lalo na sa masa. 'Ang SMOKE FISH' o mas kilala sa tawag nating 'TINAPA' Bukod sa mura, madaling hanapin ito sa palengke, easy to prepare . in just 5 minutes. pwede ka nang kumain ng affordable na siguradong mabubusog ka. Pero alam nio ba na ang pag proseso nito ay napaka selan? nabigyan tayo ng pagkakataong masilip ang isang TINAPA processing plant, maliit lang ang space na kailangan sa paggawa nito. sa halagang 10.000 pesos pwede ka na magsimula ng ganitong business, mukha lang pipitsugin ang negosyo, pero huwag mo itong mamaliitin dahil mas malaki pa ang pwede nitong kitahan, kaya nitong lampasan ang kinikita ng mga nasa gobyerno, at mga nasa sosyal na opisina. Bweno. kaya natin naisipan i post ang article na ito dito sa infograpix ay upang kahit papano ay makapag bigay ulit tayo ng isang bagong ''best pinoy home tips'' sa ating mga kababayan, kung paano ito mas ma i prepare sa hapag kainan ng may mas maingat na paghahanda, at mas healthy na pagluluto nito. *BABALA* 1.Huwag na huwag lulutuin ito ng half cook, ayon sa mga medical health expert at food experts, ang pina usukang isda o anumang uri nito dapat lutuin sa mainit na mantika at hanggat maari, toested ang outer skin layer nito upang makaiwas sa bacterial contaminations dahil sa naunang proseso ng paghahanda nito . 2.Kung pipili ng sawsawan, mabuting Fesh tomatoes na lamang ang iterno dito, iwasang isawsaw na ito sa toyo o bagoong 3.Ang tinapa ay may taglay na carcinogenic compound, na sanhi ng sakit na kanser sa bituka at kidneys.nakukuha ito sa mga ink ng papel na nabasa nito sa tagal ng pagkakabalot nito.pansinin niyo ang mga ginagamit na yellowish papers, . mapapansin niyo na may mga buradonong inks. ito ay dahil sa lengthy period na nakababad ang isda sa papel. may ilang kaso nang na ireport na may ilan na gumagamit pa ng food coloring para mas nakaka engganyo ang kulay ng paninda 4.Marahil nagtataka kayo. bakit ang tinapa ay hindi nabubulok sa lamesa ng tindera? kahit 1 week na itong naka display, samantalang kapag binili mo na ito. at nakalimutang iluto agad, isang araw lang may mga uod na ito.. Hmmmm?? bakit kaya? May naka pag tip sa amin, na may iwiniwisik ang mga nagtitinda para ma preserve ito, hindi natin nilalahat ang mga vendors, may ilang gumagawa nito, lalo na kung malayo ang lugar ng pinag angkatan sa lugar ng pagbabagsakan, sa dami ng suki, sa dami ng bultuhang labanan at angkatan. para makaiwas na mabulukan. ginagamitan ito ng kemikal na mas mababang klase sa formal dehyde. hindi naman daw ito nakaka lason? ha? ah ok! preservatives siguro yun ano ho? 5. Sintomas na ang TINAPA ay ginamitan ng gamot. x1. Makintab masyado ang kaliskis ng isda. at may katigasan ang laman nito. x2. Subukang amuyin ito. amoy gamot ito. x3.Ang ordinaryong tinapa ay dinadapuan ng langaw. kapag hindi langawin ang lamesa, magsuri at mag alangan.. baka may something something ng ginagawa dito ang nagtitinda. x4.Samantalang ang langaw ay ebidensiya na ordinaryong tinapa lamang ito. maging maingat din. kapag sobrang dami ng langaw. mas delikado na ito. ibig sabihin. nabubulok na ang mga ito. TIPS: Sikaping hanapin ang suking nagtitinda na gumagamit ng aerial fan. o yung electricfan an naka hang sa tapat ng tinapahan. 6. BALIK tayo sa pagluluto nito: Iwasan ang pag re reheat sa Tinapa. kailangang ito ay lutuin ng isang beses lang at ulamin ng isang beses lang. malakas sumipsip ng mantika ang tinapa. at kung pag uusapan ang cholesterol level nito. kasing tindi nito ang cholesterol na matatagpuan sa quail egg o itlog ng pugo. mas mataas kesa sa level ng cholesterol nang pritong taba ng baboy. 7. WARNING: kung bibili ka ng TINAPA, nahanapin ang tinapa na maliliit. huwag yung malalaki. matinik ang malalaki at delikadong ulamin ito ng mga batang 7 years old pababa.- May namamatay dahil lang sa pagkakatinik sa Lalamunan. 8.TRIVIA:Masarap ihalo ang tinapa sa pansit palabok: pero alam niyo ba na mas masarap itong himayin at ihalo sa mga pansit kanton? subukan itong gawin, tiyak na mag eenjoy dahil sa kakaibang mixture ng sauce at meaty taste ng Tinapa. 9.Ang Ilang tips na iyong nabasa ay malaya mong i share, samantala kung may karagdagang masasabi. gamitin ang comment box. o kaya naman ay suportahan ang article sa pag like. Salamat .. hanggang sa Muli mga Ka info. :) +All the information on this article is published in good faith and for general information purpose only.infograpix does not make any warranties about the about the completeness, reliability and accuracy of this information. Any action you take upon the information you find on this BLOG, is strictly at your own risk. BABALA SA MGA MAHILIG MAG ULAM NG TINAPA, Read This & be Informed! 99 Comments Sort by Oldest Add a comment... Francisco Sevilla · University of the East Manila Sa halip na baboy, hinimay na tinapa ang isahog sa ginisang mungo. Subukan ninyo at tiyak uulit kayo. Like · Reply · 61 · Mar 3, 2016 6:25am Cresencia Credo Marcella · Naga National High School At kami pag nag monngo di swak kung walang tinapa. Like · Reply · 5 · Mar 3, 2016 10:04am Myles Salvador Ay yan ang ginawa ko nung isang araw monggo w/hinimay na tinapa ...ang sarap

No comments:

Post a Comment